![](https://static.wixstatic.com/media/674254_f75154872b7f4314af220da8036566bf~mv2.jpg/v1/fill/w_1440,h_1920,al_c,q_90,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/674254_f75154872b7f4314af220da8036566bf~mv2.jpg)
PHOTO DOCUMENTARY
Palaboy Serye
Isang serye ng mga litrato na kuha mula mismo sa ating paningin. Mga taong palaboy, wala g permanenteng tirahan, palibot libot kung saan saan, araw at gabi tinitiis ang gutom. Umaasang may tumulong sa kanila sa kabila ng hirap ng buhay. Sa bawat sulok ng lansangan ay makikita mo sila, naghahanap ng ligtas na lugar para tulugan. Nanlilimos sa tabi makaipon lamang ng barya pantawid sa gutom nila. Madalas naghahanap ng makakain sa mga basurang nakatambak o minsan naman ay nangongolekta ng bote at bakal para ibenta kapalit ng munting barya.
Maraming dahilan kung bakit sila napunta sa ganitong sitwasyon. Mula sa kawalan ng trabaho o hanapbuhay, mga biktima ng pangakong trabaho dito sa Maynila. Sa mga nasalanta ng bagyo na nawalan ng tirahan, pang aabuso sa mga kababaihan at bata. Dahilan lamang ang mga ito kung bakit napunta ang kanilang landas sa lansangan.
Sino nga ba ang may kasalanan kung bakit nasa ganitong sitwasyon sila? Ang kanilang sarili ba o ang lipunan? Maaring masabi ng iba na nasa pagsisikap at dedikasyon ang susi sa magandang kinubukasan ngunit ang diskriminasyon sa lipunan ay hindi nawawala. Kailangan paba natin silang sisihin o tulungan ang bawat isa paangat sa kahirapan?